Pamamahagi ng mga Banca, Fishing Gears at Paraphernalia sa Meycauayan
Pamamahagi ng mga Banca at Fishing Gears and Paraphernalia sa Meycauayan. image courtesy of Meycauayan City Information and Community Relations Office |
What : | Pamamahagi ng mga Banca, Fishing Gears at Paraphernalia sa Meycauayan |
Where : | Meycauayan City Hall |
When : | December 6, 2018 (Thursday) |
Who : | Everyone |
Details : | BANCA, FISHING GEARS AT PARAPHERNALIA, IPINAMAHAGI SA 3 BARANGAY 100 MANGINGISDA NABIYAYAAN! Patuloy ang suporta ng ating Punong Lungsod Henry R. Villarica sa programa ng City Agriculture Office kasama ang kanyang butihing maybahay at kaagapay sa mga proyekto ng ating lungsod. Pinangunahan ni Deputy Speaker Linabelle Ruth R. Villarica kasama ang Tanggapan ng Agriculturist Office sa pamumuno ni City Agriculturist Elvira de Asis noong ika-6 ng Disyembre 2018 ang pamamahagi sa isang daan (100) mangingisda ng Barangay Ubihan, Barangay Liputan, at Barangay Longos na kung saan ang dalawampu’t limang (25) motorized banca ay hinati sa 4 na grupo. Ang isang (1) banca ay limang (5) mangingisda ang maaring gumamit at lahat sila ay binigyan ng fishing gears at paraphernalia. Ginanap ang pamamahagi sa Meymart , Barangay Zamora. Nais ni Mayor HRV na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mangingisda at makatulong ito sa kanilang paghahanapbuhay. Sinaksihan ito nina Regional Director ng BFAR, Lilian Garcia, Provincial Agriculturist, Ma. Gloria Carillo, Kon. Jojie Violago, Kon. Cathy Abacan, Kon. Cocoy Dulalia, Kon. Kat Hernandez, Kon. Mario Berboso, Kon. Bunny Velasco, Ex. Coun. Mario Aguirre, Kap. Olivert Duya (Pantoc), Kap. Lara Abracero (Lawa), Kap. Andres Legaspi (Liputan), Kap. Arnel Gutierrez (Longos), CAFC Pres. Alberto Alcanar at CFARMC Pres. Carmencita Armado. |
Contact Person : | Meycauayan City Government |
Contact Number : | (044) 919- 8020 to 8029 |
Website : | Meycauayan City Government |
Pamamahagi ng mga Banca at Fishing Gears and Paraphernalia sa Meycauayan. image courtesy of Meycauayan City Information and Community Relations Office |